Nakakalungkot isipin na hindi pantay ang pagtingin ng mga tao, Mga tingin na may kinikilingan. Sulyap na may prinoproktetahan. Mga matang walang panindigan. Bakit nga ba ang sala’y nagiging tama? Bakit kung alin pa ang matuwidang siyang hindi napupuna? Malma.
Bakit nga ba laging lamang ang may kapangyarihan? Bakit nga ba laging may nakakaranas at nagpapadanas ng kaharasan? (Mahirap ba talagang maging pantay kahit minsan?) Masakit.
Mananatili na lang bang lugmok ang naghihirap at tanging mayayaman nlng ang magpapakasasa sa sarap? Hanggang kelan? Realidad.
Bakit kase?!
Marahil ito ang aking napansin sa simpleng tagpo ng buhay - Kamatayan. Ito ang pinakamahirap. Ito ang pinakamasaklap. Masakit. Dulo. Hangganan.
Cinco. Barya. Butas na Bulsa. Walang lamang pitaka. Kumakalam na sikmura. Kahirapan.
Umaapaw na emosyon nang pighati at kasawian. Mabigat. Matang lumuluha. Isipang nanghihina, Pusong nangungulila.
ilaw na nanggagaling sa dalwang tig-bebenteng kandila ang nakalagak sa altar. limang pirasong bulaklak na nakalagay sa tinapyas na bote ng COKE na bitbit-bitbit ng isang nangungulilang bata. Usung-usong na mamamayang sumayi sa pagkalakas na ulan ang bumuhat sa isang malamig na bangkay . Iisang layunin,Iisang hangarin…Ang maihatid ang kanilang minamahal sa huli nitong hantungan.
Matatanaw sa dulo nang madilim na simbahan ang dalwang silyang pinagtagop sa altar. Una’y ako’y napatanong para saan kaya ang silyang iyon? Ako’y nagulat nang iyon pala ang kanyang pagpapatungan. Dalwang Silya lamang. Wari ko’y ang aking puso’y unti-unting natutunaw sa aking nasaksihan. Ito nga ba’y makatarungan? Isang tagapagalingkod ng simbahan ang lumabas mula sa harapang pintuan hawak-hawak ang maliit na boteng may lamang tubig , Hindi isang Pari, Hindi isang Banal. Ako’y napatanong muli. .”BAKIT?” Wala palang mapagnilay na misang magaganap. BASBAS.
Ako’y napatanong muli ” Bakit? ” Walang magagarang sasakyan, Walang maaayos na kasuotan, Walang lamang pitaka. Walang perang pambayad sa isang simpleng misa.
Hanggang sa pinakahuling parte ng pagkakasilang hanggang dito ba naman, Kulang? Pera. Gaano ba kahirap ibigay ang isang oras na kailanman ay hindi na niya mararamdaman? Ilang daan ba o libo ang kailangan? Bawat mabubuting bagay ba ay kailangang tumbasan? Bakit?
Ito ay isang kwento nang tunay na nagyayari sa mundo, Hindi isang kathang isip, Hindi hango sa isang pelikula. Bagkos, Karanasan at katotohanan ang pinagmulan.
Mananatili na lang bang lugmok ang mahihirap at tanging mayayaman na lang ang nagpapakasasa sa sarap? Hanggang kelan? Realidad.
and it goes on…
I thank the Lord for giving me so many struggles these past few days, it may be not a good experience to look forward to but it is worth a shot. I may have undergone to so much pressure that gives a lot of perplexities but beyond those adversities , I have learned.
Darating at darating pala talaga ang puntong iisipin mong ayos na ang lahat, Na Muling babalik ang dating ikot ng mundo na parang walang nangyari, tipong okay na, tanggap na, pero hindi pa pala… Hindi pa pala, Hindi pala ganun kadaling tanggapin lahat, lahat-lahat. ( Lahat ng nasabi, lahat ng nagawa, Lahat-lahat na bungga ng makasariling emosyon na kahit kailan hindi nagkaroon ng konsiderasyon. buga. buga. Patama, mga akusasyong bungga ng matabil na dila - Mga patamang hindi daplis, Direkta. Masakit,Nakakasakit. Na kahit pagbali-baliktarin natin ang mundo hindi pa din maalis ang katotohanang Nasaktan tayo.
Hindi pala madaling maghilom ang sugat na inadya ng kahapon lalo na kung dulot ng isang mapait na pagkakataon. Masakit .
Madali namang magpatawad, kahit ilan at paulit-ulit na kasalanan pa yann. Ang mahirrap lang talaga ay ang makalimot sa pagkakataong hindi mo na mababalikan pa. Kagaya ng lahat sugat na patuloy na naghihilom sa paglipas ng panahon, Ngunit kaalinsabay nito ang realidad na sa bawat pilat nito mananatili ang alaalang ikaw ay nasaktan at nahirapan, At ito ang katotohanang kailanma’y hindi mo malilimutan. —MARKA.
Mind over matter, Eena.